Tungkol Kay Nat (Circa 2015)



Minsan, may bulalakaw na naligaw sa paglalakbay sa malawak na dagat na tinatawag na awter ispeys. Nagsakaluluwa ang bulalakaw na ito at pumaloob sa sinapupunan ng isang dalaga. Di nagtagal, nagsatao ang bulalakaw na ito at isinilang sa araw na kilala ng mga kanluranin bilang hindi seryosong araw.

Sa kabila ng lahat, hindi naman siya ipinanganak bilang isang cosmic joke, kahit sa tingin niya isang malaking cosmic joke ang daigdig na ginagalawan niya sa kasalukuyan.

Tatlumpu't isang taon nang sumasadsad ang kanyang talampakan sa daigdig na ito, at nagpapasalamat siyang hindi lamang siya ang nag-iisang baliw na kinakalyo ang talampakan sa dalisdis na tinatahak niya ngayon.

No comments:

Post a Comment