Hindi ito kwento ng puso ko, pero maaaring kwento ito ng puso mo.
(Maaari namang hindi, o maaaring hindi mo aaminin. Okey lang naman din
yan.)
Minsan niyaya ka ng isang kaibigan na uminom sa
isang maliit na tahanan malapit sa University Hotel (dating PCED) sa UP
Diliman. Doon mo siya nakilala. Tinitigan ka niya habang nag-aalok ng
isang basong empe lights. Mata sa mata mong sinuklian ang kanyang titig
habang inaabot ang basong alok sa iyo. Mayumi ang kanyang tinig.
Minasdan
mo
siya
habang
unti-
unting
nilulunok
ang
laman
ng
baso.
Hindi lamang kaluluwa ng alak ang dahilan sa pag-init ng kaloob-looban ng iyong katawan.
Noong gabing yon, wala kayong pinag-usapan. Pero sa isip mo, marami kayong pinag-usapan.
Nagpasalamat
ka at nakuha mo ang kanyang pangalan. Pag-uwi, dali-dali mong in-on ang
computer, binuksan ang browser, at pumunta sa Peysbuk. Hinanap ang
kanyang pangalan. Lumabas ang resulta, in-add friend mo siya.
Labingdalawang oras kang tumambay sa Peysbuk bago mo nakita ang
notification na friends na kayo. Dali-dali kang pumunta sa page niya,
sinilip ang mga post, sinilip ang mga larawan, dinawnlowd ang mga
larawan, nilagay sa folder, nilagyan ng hearts ang folder, ni-flying
kiss ang bawat dinawnlowd mong larawan at...
...Isang
linggo ang ginugol mo sa pagsusulat at pagrirebisa ng pm na nagtatapat
ng iyong dalisay (bagamat may pusok) na pag-ibig sa kanya. Kulang na
lang, ipa-workshop mo pa ito sa mga kaibigan mong matitinik umibig este
matitinik magsulat bago mo ito ipadala sa kanya.
Ilang
siglo
ng
katahimikan
habang
hinihintay
mo
ang
reply
niya.
Matapos ang ilan pang siglo, sinilip mo ang pm.
Seen-zoned ka.
Seen-zoned...
Seen....
Zoned....
Pasensya na lang.
Pasensya na lang.
Pasensya na lang.
asdfjklqiwieroptujhfrkgnfvmcnxzm,bhuifghrinfkljgioruhiojgkdjk,mg./fhkiohiekl/gtoyiioakf/mdfghptoih9ohajkwe/flrjhirsi.;e/fj
Teka, kapatid.
Bitawan mo nga yang lubid na yan hahahaha!
Halika rito.
Inom na lang tayo.
No comments:
Post a Comment